Chapter fifty nine LOU Hindi ko akalain na haharapin ni Terrence ang takot niya para sa amin ng mga magulang ko, sobra siyang nanginginig simula pa kanina, maski ako natatakot para sa kaniya kaya binabantayan ko siya ngayon. Magdidilim na, napakaganda ng paglubog ng ara, pinapakita ko kay Terrence yun kaso sumisilip lang siya, ayaw niyang tumitig ng matagal, ayaw niyang tumingala ng matagal, syempre ngayon niya lang kahaharapin ang takot niya. Mabuti na lang si papa abala sa paghuhuli ng isda, tinitignan niya palabi ang lambat niya. Nanguha ako ng meryenda, binaunan kami ni mama ng nilagang saging at kamote, may kanin din kaming dala at ulam na isda. Naghain ako para sa dalawang lalake na kasama ko, si papa nasa dulo ng bangka kumakain, kami ni Terrence nasa may kabilang dulo rin. H