Chapter sixty LOU Nakapagpaalam ako sa boss ko, muntik pa nga ako napagalitan dahil akala niya gagala ako, sinabi ko na lang na namatayan ang asawa ko kaya sasamahan ko ng tatlong araw, mabuti at pumayag. Ngayon naman papunta ako kanila mama, dadalhan ko nanaman sila ng bigas at kaunting delata. Baka kase bigla silang pumunta sa bahay at wala silang madatnan. Si Terrence pumasok na, ako itong sumaglit dito sa bahay at naabutan ko sila mama at papa na nag babangayan, rinig ko pa sa labas ng bahay. “ Ang tamad tamad mo! Dadalawa nan ga tayo ayaw mo pang magtrabaho, paano tayo makakabili ng bigas!” sigaw ni mama kay papa. “ Wala nga akong mahiraman ngayon ng bangka.” “ Ayaw na tayo pautangin sa tindahan! Ano kakainin natin ngayon?” “ Ma, pa.” napatigil sila sa pag aaway. “ Rinig ang b