Chapter ninety nine TERRENCE Gusto ko na talaga magquit si Lou sa trabaho, yung sinasabi niyang kaya niya pa ay mukhang napipilitan na lang siya. Ayoko naman siyang pagalitan dahil masama na nga ang pakiramdam niya, minsan masigla siya minsan naman hindi, gusto ko siyang ipacheck up sa doktor kaso ayaw niya, hindi ko naman siya pwedeng pilitin o kaladkarin papuntang ospital. Ngayon ay day off niya kaso hindi kami sabay, ang sabi niya dadalaw daw siya kanila mama at papa, maaga ang pasok ko ngayon kaya maaga din ako makakauwi. Pagpasok ko sa trabaho naabutan ko si Zasha sa staff room. “ Good morning.” Bati ko sa kaniya. “ Good morning.” Bati rin niya. “ Anak mayaman ka pala?” bigla niyang tanong sa akin. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, dalawa lang kami na nandito sa staff room ka