Chapter one hundred TERRENCE Habang pauwi ako sa bahay yung sinabi ng doktor ko ang naiisip ko, ako rin naman ang may kasalanan kaya nag ooverthink ako ngayon. Pag uwi ko naman sa bahay nadatnan ko ang asawa ko na nakahiga sa may sala namin. “ Anong nararamdaman mo?” agad kong tanong pagkalapit ko sa kaniya “ Napagod lang ako, naglinis kase ako sa labas ng bahay kanina, nagwalis walis, nagpapahinga lang naman ako.” Paano ako magtatanong kung ganiyan palagi ang sitwasyon, masama na nga ang pakiramdam niya tapos pagbibintangan ko pa siya. Huwag muna ngayon. Inasikaso ko na lamang siya upang makapagpahinga din siya ng maaga, nagtataka ako sa ikinikilos ni Lou dahil parang hindi na siya katulad ng dati n amalakas, may sakit kaya siya? Ayaw naman kase niya magpadala sa ospital. Wala nam