Chapter one hundred fifty five TERRENCE Hirap akong makabangon pagkagising ko, parang ang bigat ng pakiramdam ko, parang gusto ko pang matulog pero dapat na akong bumangon dahil may trabaho ako, kaso nga lang pagupo ko sa kama parang umiikot ang paningin ko. Anong nangyayari sa akin? Mainit din ang hininga ko, nilalagnat ata ako? Naalala ko nabasa pala ako ng ulan kahapon kakahanap kay Lou. Nag alala ako dahil namalengke pala siya kahapon at gabi na siyang umuwi, hindi ko pa naririnig ang buong kwento tungkol sa nangyari kahapon dahil masyadong magulo. Inutusan daw siya ni mommy bumili, sa tingin ko naman nagsasabi ng totoo si Lou, oo nagsinungaling siya noon tungkol sa pagkatao ko pero alam ko sa reaksyon niya at sa pananalita niya na nagsasabi siya ng totoo, nakasama ko siya ng mah