Chapter one hundred fifty four LOU Naghanda ako ng pangsuob ni Terrence, hindi pa naman siya dinadalaw ng mama niya kaya pwede pa akong pumunta sa kwarto niya. Ayaw ko kase na mapagalitan nanaman lalo at may sakit ang anak nila, wala naman akong gagawing masama sa kaniya. Naglagay na ako ng mga gagamitin sa kwarto niya binilisan ko ang kilos ko para makapasok agad sa loob ng kwarto ni Terrence, yun nga lang medyo sumakit ang tiyan ko dahil mabigat na rin ito. “ Ayos na ang lahat, paano kita masusuob kung may swero ka?” tanon ko sa kaniya at bigla niyang hinugot yung swero niya, dumugo ang kaniyang kamay sa paghugot ng swero niya. “ Halla! Anong ginawa mo?” “ Ayaw ko ng gamot diba? Kaya gusto ko rin tanggalin to kanina pa, wala lang akong lakas kanina.” Umupo ako sa tabi niya at dina