Chapter one hundred fifty three LOU Hindi ko alam kung bakit parang galit sa akin si Terrence, siguro dahil gabi na akong umuwi? O dahil basang basa siya sa ulan? Teka? Bakit ba siya basang basa sa ulan? May sasakyan naman siya. Nakatayo lang ako sa gilid habang tinatanong nila, wala dito si Terrence at mukhang nagpalit ng damit. Nagugulat ako sa reaksyon ni madam dahil parang hindi niya ako inutusan kanina, siya naman talaga ang nagsabi na bumili ako pero bakit ganun? Parang ako yung may kasalanan? “ At saan ka kase pumunta? Tignan mo si Terrence basang basa kakahanap sayo.” Kakahanap sa akin? Lumabas siya para sa akin? Maya maya pa ay lumabas na si Terrence sa kwarto niya at bagong bihis ng damit. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin yun, hinanap pala niya ako kanina kaya si