Chapter thirteen LOU Nagising ako ng may naaamoy akong naggigisa ng bawang, may orasan sa may pader kaya tinignan ko iyong kaagad. Alas otso na pala ng umaga, ngayon lang ulit ako nagising ng ganitong oras, dati kase kapag nasa bahay ako halos madilim pa gising na ako dahil kay papa, madaling araw kase siya umaalis upang mangisda, nagigising na lamang ako sa ingay ng mga kasamahan niya at ni mama. Bumangon ako upang hanapin yung kasama ko sa bahay, alam ko naman na siya yung naggigisa, ang aga naman niyang nagising. Hindi niya ako napansin kaya sumandal ako sa may gilid habang tinititigan ang kaniyang likuran. Teka bakit nakangiti ako ng ganito, hays huwag Lou, nagpapanggap ka lang, hindi totoo ang lahat, pakiramdam ko kase parang asawa ko na talaga siya at magkakilala na kami noon p