Chapter one hundred sixty seven TERRENCE Maaga kaming umuwi, pinagdrive ako ni Hulyo dahil wala ako sa focus at masakit ang ulo ko kanina pa, tulala lang din ako habang nakatanaw sa labas at piagmamasdan bawat madaanan. Kung dati halos malanghap ko na ang alikabok tuwing nagcocommute kami ni Lou pero ngayon may taga maneho pa ako, parang napakabilis ng pangyayari na sa isang iglap lang kasama ko na ang tunay kong pamilya kaso lang hindi parin ako komportable sa kanila. Mas hinahanap hanap ko ang buhay ko noon sa Palawan. Kesa ang marangyang buhay ko ngayon. “ Dito ka na magdinner.” Sabi ko kay Hulyo ng makarating kami. “ Salamat po sir kaso wala pong kasama ang lola at lolo ko.” “ Sige naiintindihan ko.” Mas magaan nga ang loob ko kay Hulyo kesa sa kuya Cedrick ko dahil alam kong h

