Chapter one hundred sixty eight LOU Ngayon ang araw ng check up ko, malalaman na kung babae o lalake ba ang magiging anak namin ni Terrence. Hindi muna ako lumabas ng kwarto ko dahil baka sumama nanaman si Cedrick at Eloisa, pero hindi ko pa naman napansin dito sa Eloisa. Wala ring alam si Cedrick na may check up ako ngayon, sana dalawa lang kami ni Terrence ang pumunta sa ospital ngayon para naman komportable ang pakiramdam ko, maski ang baby ko ayaw din kay Eloisa, iba ang ginagawa niya sa tiyan ko tuwing makikita ko siya. Sumilip ako sa labas at wala namang tao dito sa sala kaya lumabas na ako, hinintay ko na lang si Terrence dito sa malapit sa kusina, tanaw ko naman ang kaniyang kwarto at sakto naman lumabas na siya agad. Nakita niya rin ako kaagad kaya sabay kaming pumunta sa ka

