Chapter one hundred sixty nine CEDRICK Palagi na lang kaming nag aaway ni Eloisa, hindi niya ako maintindihan at hindi ko maintindihan kung ano pinupunto niya, basta ang alam ko tama ako. Sinasadya ko na ng minsan na pagselosin siya pero pagseselosin din niya ako, kaya ko lang naman yun ginagawa para lumayo siya kay Terrence at limitahan yung kilos niya, kaso baliktad ang ginagawa niya, bumabawi pa siya, o sadyang gusto niya ang kapatid ko kaya siya lapit ng lapit. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan kaso umiiba na ang intindi niya. Hindi na kagaya ng dati noong wala ang kapatid ko dito. Pumupunta pa siyang opisina, hindi ko alam kung para sa akin ba ang dala niyang cake o para kay Terrence, and yes I loved sweets but sometimes, I hate it lalo kung makikita kong bitbit ni Terrence

