Chapter one hundred forty one LOU Nagkakailangan kaming dalawa ni Terrence ngayon dito sa bahay. Parang hindi kami nagsama at nagtabi ng isang taon na parang mag asawa, ngayon kase parang kakakilala lang namin sa isat isa. Inayos niya ang ibang gamit na nandito, binuhat niya para may madaanan, ang daming mga gamit na bago, sabi niya binigay daw ng mga magulang niya noong dito siya tumutuloy. Pareho kami ng tinuluyan ng nasa Maynila na kami pero bumalik pa rin talaga siya sa tunay niyang pamilya. Tumayo ako para magluto ng makakain. “ Dito ka lang.” pinaupo niya ako sa sofa. “ Magluluto na ako.” “ Ako na bahala.” Inayos niya ang manggas ng kaniyang suot at nag umpisa ng maghiwa ng lulutuin niya. Nakatapat ang mesa na pinaghihiwaan niya dito sa kinauupuan ko kaya natititigan ko siy