Chapter one hundred forty LOU Nakaramdam ako ng maginhawa kaya binukas ko ang aking mga mata. Teka? Hindi ito bahay at makirot bandang kamay ko, napatingin ako kung anong meron at may nakakabit na swero sa may kamay ko. Paglingon ko sa gilid ko. “ Terrence.” bakit nandito siya? Natutulog siya sa may upuan. Nilibot ko pa ng tingin ang buong paligid ko at si Terrence lang ang narito, alas syete na pala ng gabi, bakit sobrang haba ata ng tulog ko? May gamot ba silang binigay sa akin? Yung baby ko kaya kamusta? Napaupo ako sa higaan ko at biglang nagising si Terrence dahil gumalaw yung lagayan ng swero ko. “ Gising ka na pala.” “ Kamusta ang baby ko?” “ Huwag ka mag alala, maayos siya.” Nakahawak lang ako sa tiyan ko. “ Magpahinga ka lang dito hanggang sa gumaling ka, ako na gagastos