Chapter one hundred ninety LOU Medyo iba ang pakiramdam ko ngayon dahil aattend si Terrence sa graduation ni Eloisa, sigurado naman magcecelebrate sila lalo ang mommy ni Terrence nagpapahanda ng marami dito sa bahay. Naiinggit ako sa totoo lang at nanliliit dahil si Eloisa dalawa ang naging kurso samantalang ako high school graduate lang. Kahit naman gustuhin ko magkolehiyo wala naman kaming pera pang paaral sa akin. Si ate Terry pinapasok na lang ako dito sa kwarto ko dahil alam niyang gusto kong tumulong sa ginagawa nila, nag aayos sila para sa celebration daw ng pagtatapos ni Eloisa. “ Mas bagay nga talaga sila.” Sabi ko sa aking sarili, kanina pa umalis si Terrence para samahan ang nobya niya sa pagtatapos niya sa kolehiyo. Ayaw ko rin lumabas kase nandoon ang mama ni Terrence b

