Chapter one hundred eighty nine TERRENCE Nagtaka ako dahil tumatawag sa akin ang mommy ni Eloisa kaya sinagot ko agad, napakaaga niya akong tinawagan para lang sabihin na umalis sila at kailangan ko daw samahan si Eloisa sa graduation niya mamayang gabi. Alam naman daw ni Eloisa na ako ang kasama niya, yun ang sabi ng mga magulang niya sa akin, oo nga pala ngayon ang graduation ni Eloisa. Hindi muna ako pumasok sa opisina para makapagpahinga ang utak ko ngayon, alam naman na nila mommy at daddy yun. Kaso hindi naman ako kinokontak ni Eloisa para daluhan ang graduation niya, tanging ang mga magulang niya lang ang nagsasabi sa akin pero siya? Hindi niya ako iniinvite mismo. Maaga pa naman kaya ako na nagluto ng almusal naming dalawa ni Lou, may taga luto naman kami pero nasanay din kas

