Chapter one hundred eighty eight ELOISA Hindi talaga ako mapakali dahil bumalik nanaman si Lou, akala ko okay na dahil sabi ni tita napaalis na niya kaso sinundan pala siya ni Terrence para pauwiin? Para siyang VIP kailangan pang sunduin. Pinapunta ako ni tita sa bahay nila para salubungin si Terrence kaso dedma naman, si Lou parin ang inaasikaso niya kaso minsan nakakalito ang ugali niya ang lambing lambing niya sa pananalita pero parang double meaning lahat ng sinasabi niya. Pinag iisip niya ako ng matindi kaya kinakabahan ako. Tuwing gabi sa condo ako ni Cedrick natutulog dahil nag away sila ni tita, ipapakasal daw siya sa ibang babae at mas lalong tutol ako doon. Ayaw ko naman na mangyari yun. Sinasamahan ko siya tuwing gabi pero umuuwi rin ako sa bahay minsan, ang dinadahilan k

