Chapter two hundred two LOU Magaling din pala mag ayos si ate Terry, tinali niya ang buhok ko tapos nilagyan niya ako ng kaunting make up, wala akong ganu kaya yung sa kaniya ang ginamit namin, hindi naman kase siya madamot at maarte kaya pinahiraman niya ako. “ Magkasukat tayo ng paa kaya hiramin mo muna yung sandals ko, hindi babagay ang tsinelas diyan sa damit mo Lou.” “ Sigurado ka ba ate?” “ Oo naman, hindi ka pwede magsuot ng mataas kaya heto isuot mo itong sandals ko.” Napakabait niya sa akin, nagpapasalamat ako dahil may nakilala akong kagaya niya na handang tumulong sa akin kahit na ganito lang ako. “ Maraming salamat talaga ate.” “ Nako maliit na bagay lang yan, para ko na kayong mga kapatid dito kaya ayos lang yan, ate niyo akong lahat.” Tuwang tuwa siya sa inayos niya s

