Chapter two hundred three CEDRICK I’m so tired of begging Eloisa, pero ayaw kong sumuko, gusto ko pa siyang makasama habang buhay, gusto kong tuparin namin pareho ang mga pangarap namin. Pero bakit hindi niya ako pinapansin. Yeah I know I was wrong, nagalit ako sa sobrang tagal niyang magresponse sa messages ko, napagsalitaan ko siya ng masama. Kase naman nahiya ako sa kausap kong designer na dapat ay kakausapin namin this dinner kaso huli na ng sabihin niyang hindi siya pupunta. Sobrang inis ko nun, umasa kase ako kaya nagalit ako sa tawag habang kausap ko siya. At ang pinakamasakit pa ay ang sabihin niyang ayaw na niyang magpakasal, sobrang sakit marinig nun, after all my efforts to her, lahat lahat ng ginawa at sinacrifices ko para sa kaniya ganun lang sasabihin niya? Hindi niya

