Chapter one hundred fifty eight LOU Parang kakaiba ang aura ng lahat ngayon dito sa bahay, nakikiramdam ako habang nandito sa may kusina, naririnig kong nag uusap usap sila pero halos ang mama lang ni Terrence ang nagsasalita. “ Anong nangyayari doon?’ tanong din ni ate Terry sa akin. “ Hindi ko alam ate, biglang umalis si Cedrick.” “ Aba, sinamahan ka lang ni sir Cedrick, yun na agad ang tawag mo sa kaniya ah, close na kayo?” “ Yun ang sabi niya sa akin ate sinusunod ko lang.” Umalis yung kuya ni Terrence at mukhang galit, maya maya pa sumunod naman ng umalis ang mama nila at si Terrence naman pumunta dito sa kusina. Napatingin siya sa akin pero nagpatay malisya kami dito na hindi nakikinig o tumitingin sa kanila kanina, kumuha lang siya ng pagkain, mukhang para sa kanila ni Elois