Chapter one hundred fifty nine LOU Naghahanda na ako para sa check up ko, maaga naman talaga akong gumigising kahit hindi ipaalala sa akin ni Terrence. Siya na din ang nagluto ng umagahan ko kanina. May dala akong maliit na bag, lagayan ng ibang gamit ko at bibilhin na gamot nanaman para sa akin at kay baby. Paglabas ko ng kwarto naghihintay na sa sala si Terrence, maaga pa naman pero maaga din kaming aalis. “ Good morning Terrence!” bati ni Eloisa na kakarating lang. “ Aalis kayo? Saan kayo pupunta?” tanong sa amin ni Eloisa, pansin niya kaseng nakapanlakad ako, hindi naman kase ako nagsusuot ng pambahay kapag aalis ako. “ Check up ni Lou.” “ So? Aalis kayo?” “ Yup.” “ Pwede sumama?” ano ba yan, bakit sasama pa si Eloisa sa check up ko? Hindi sumagot si Terrence dahil mukhang ay