Chapter one hundred twenty seven LOU Gutom na gutom ako ngayon pero wala namang makain sa mesa namin, gusto kong bumili pero wala akong gana lumabas ng bahay. Hindi ko sinasabi kanila mama ang pakiramdam ko ngayon, baka kase may malubha na akong sakit at ayaw ko silang mag alala, dahil siguro ito sa nangyayari sa akin simula ng iwan ako ni Terrence, umiba na ang lahat sa akin maski ang pakiramdam ko lalo na ang emosyon ko mas tumindi ang lungkot. Araw araw pa rin akong umiiyak. Si papa kahit hindi magtanong sa akin ay halata sa kaniya ang pag aalala. Palagi niya akong dinadalhan ng tubig at nilagang kamote sa tabi ko tuwing tulala ako sa bintana, si mama naman ay iniiwanan ako ng pera pambili ko ng pagkain kaso nga lang hindi ako makalabas ng bahay, iba kase ang pakiramdam ko. Wala r