Chapter one hundred twenty six TERRENCE Ang hirap pala makisama, nakakailang, namimiss ko yung mga nakakausap ko araw araw, yun bang natural na pakikipag usap, hindi kagaya dito na halos lamunin na ng negosyo ang kwentuhan nila, ako naman nakikinig lang at ngumingiti. Tango lang ako ng tango sa mga sinasabi ng mga magulang ko at mga magulang ni Eloisa, nasa garden kami ngayon at nagtsatsaa, nakakaantok yung ganito kami ang pinagsisilbihan tapos wala halos ginagawa, maski maglaba at magluto meron na dito, nasanay ata ako sa Palawan na gumalaw galaw, hindi nag uutos kahit na kanino. Nagpaalam si Eloisa na magbabanyo, umalis agad siya at ako naman natabangan dito sa iniinom ko kaya umalis din ako para kumuha ng asukal kahit kaunti. Hindi naman ako napansin ng mga kasama namin na tumayo,