Chapter one hundred eight LOU Kalahating oras ng late si Terrence, hindi pa niya ako sinusundo, ayaw ko naman na umalis dito ng wala siya baka kase nalate lang siya sa pagsundo sa akin. “ Wala pa yung sundo mo?” sakto naman kakaout lang din ni Maribel. “ Wala pa nga eh, ayaw ko naman mauna, baka kase busy siya sa trabaho.” “ Bumili kase kayo ng cellphone para makontak niyo ang isat isa.” “ Hindi na, sayang pera, ang mahal kaya ng cellphone tapos ang hina pa ng signal dito sa isla natin kapag walang wifi, kaya huwag na sayang lang din.” “ Hihintayin mo pa siya?” “ Oo, dadating yun, kaso hindi ko alam kung anong oras, nag overtime kaya siya sa trabaho? Hays.” Maya maya pa nakita ko na si Terrence na naglalakad palapit dito sa amin ni Maribel. “ Ayan na pala siya oh.” Turo ni Maribel