Chapter one hundred nine LOU Pinapasok ako ni papa sa loob ng bahay at pinaupo, hindi kase ako tumitigil sa pag iyak at paghikbi kaya hindi nila ako makausap ng maayos. Binigyan ako ni papa ng tubig at ako naman ang kinakalma niya, ang sarap sa pakiramdam na kahit ang laki ng kasalanan ko sa kanila ay nagagawa pa rin akong asikasuhin ni papa. Si mama hindi na gaanong umiiyak pero nakatulala siya sa labas, habang ako naman nakakalma na paunti unti, hinihintay nila ang paliwanag ko sa kanila kaya naman pinipilit kong kumalma. “ Pa, patawad.” Bulong ko kay papa. Hindi umimik si papa pero hinahaplos niya ang likod ko, kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko, nakakalma ako ng kaunti pero mugtong mugto ang mga mata ko. “ Ano na Lou, bakit hindi ka makaimik diyan.” Sabi ni mama sa akin.