Chapter one hundred twenty four TERRENCE Kinabukasan napansin kong sobrang pormal ng suot ng mga magulang ko ngayon, napansin ko rin na napakaraming handa sa mesa. At inayos nila ang buong bahay dahil lang sa bisita ngayon na si Eloisa at ang kaniyang mga magulang. Gaano ba sila kaimportante dito? Nahiya akong lumabas, sumilip lang ako sa may pinto ng kwarto ko, kitang kita ko naman sila mula dito, bumalik ulit ako sa kwarto at nag isip kung anong gagawin. Kailangan talaga maging pormal? Ano bang meron? Magkakabisita lang naman kami pero parang magkakaroon ng fiesta sa barangay dito sa bahay. Biglang may kumatok at si mama ang bumungad sa akin. “ Anak, maghanda ka na rin paparating na ang mga bisita natin.” Tuwang tuwa niyang ibinalita sa akin iyon. “ Kailangan po ba panlakad ang