***MANET*** Saktong dumating sina Manet at Aman sa Malvaro Hospital nang nakatanggap ng tawag si Aman mula kay Kai. Napatingin si Manet sa kapatid. “Si Kai,” imporma ni Aman sa kanya sabay pakita sa cellphone. “Sagutin mo,” aniya na ngumiti. Nauna na siyang naglakad patungong hallway, patungong elevator ng pribado at napakalaking ospital. “Where on earth are you?!” banas ang boses na tanong naman agad ni Kai sa kabilang linya nang sagutin ni Aman ang tawag nito. “Bakit?” “Nando'n lang naman kasi kami kanina sa office ni Randy. Kami ni Dhenna at nagkagulo na silang dalawa.” Aman frowned slightly. “Paanong nagkagulo?” “Ibinuking na kayo ni Dhenna kay Randy kaya naman iyong si Randy galit na galit sa ‘yo.” “Paanong ibinuking? Nasabi ko na kay Kuya Randy ang nakaraan namin, hindi ba?