PART 43

2067 Words

***KAI*** “Kai...” Umiiyak sa kabilang linya si Dhenna nang sagutin niya ang tawag nito. “Anong drama na naman ‘yan?” Tumirik ang mga mata niya. Naiinis na siya kay Dhenna dahil hindi na ito masayang kasama bilang kaibigan. Kung hindi nito ipinagmamayabang si Randy ay ganito na umiiyak ito. Minsan naman ay galit na galit. Dapat nga ay kasama niya ito ngayon na gumigimik ngayon sa bar, pero tumanggi na naman ang gaga. May gagawin daw ito kay Randy upang mabuntis na ito. Baliw na talaga si Dhenna. Baliw na baliw. Kulang na lang ay dalhin na talaga ang gaga sa mental. “Kai, binaboy ako ni Randy. Ang sakit ng ginawa niya sa akin,” sabi ni Dhenna sa gitna ng pag-iyak. “Anong ginawa niya sa ‘yo?” Nabahala na siya. Naisip niya na baka sinaktan na ni Randy ang kaibigan niya ng pisikal. Kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD