***RANDY*** “F**k!” A stream of four-letter offensive words erupted from Randy's lips. Badtrip na badtrip siya dahil napansin niyang nakasunod na naman sa kanya ang kotse na itim. Simula pumayag siya na makisama kay Dhenna ay napansin na niya ang itim na kotse na nakabuntot lagi sa kotse niya. Kahit saan siya magpunta. At hindi na siya nagtataka kung bakit siya sinusundan, malinaw naman na kagagawan ng tiyahin ni Dhenna ang lahat ng ito. Talagang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Misis Saima Mercado para makagawa ng paraan na hanapin ang kanyang asawa. Sigurista talaga ang ginang. Isang literal na bruha. Biglang apak si Randy sa brake nang ipinagilid niya ang kanyang sasakyan. Nakatiim-bagang siya at sobrang higpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao sa manibela. Grabe rin ang taas-ba