***DHENNA*** “Aalis ka?” Biglang tayo si Dhenna nang lumabas sa banyo ng kanilang silid si Randy. Sobrang tamis ang kanyang mga ngiti pero meroong konting kimi o ilang. Gayunman, masaya siya. Sobrang saya niya ngayon dahil bumawi sa kanya si Randy. Binaboy man siya kagabi ay pinalasap naman ulit sa kanya ni Randy ang romansahang ginagawa ng dalawang taong matindi ang atraksyon sa isa't isa. “I have to go to the office.” Ngumiti naman ng tipid si Randy bago tinungo ang mga gamit nito na mga pang-opisina. “Hindi ba pwedeng um-absent ka muna? Let's celebrate kasi okay na tayo," paglalambing niya rito. Hindi tumitingin na umiling si Randy. Nag-susuot na ito ng pantalon. “Madami na akong absent. Baka tatanggalin na ako ng lolo sa kompanya kapag um-absent pa ako. Kailangan kong magpalakas