PART 46

1597 Words

***RANDY*** “Gulat na gulat si Dhenna nang sabihin kong Randy din ang name ng boyfriend ko. Mukhang nakaramdam agad siya na baka ikaw rin ang tinutukoy ko,” nakangisi na sabi ni Kai nang humiga siya sa tabi Randy. Ginawa niyang unan ang balikat ni Randy. “What? Bakit mo ginawa ‘yon?!” Dahilan para mapakislot si Randy. Halos magsalubong ang dalawang kilay niya. Sa kanyang gulat ay nahila niya pa konti ang braso kung saan nakaunan si Kai. “Aray naman!” angil naman ng dalaga dahil naipit ang ilang hibla ng buhok nito sa ginawang iyon ni Randy. “Bakit ka agad nagpahalata sa kanya? Hindi pa nga tayo nag-uumpisa sa plano natin ay baka mabuking niya agad tayo sa ginawa mo.” Umayos ulit siya ng higa. “Huwag ka ngang OA,” walang bahala na sabi ni Kai. Muli ay humiga rin ito sa kanyang balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD