***DHENNA*** “Nasaan siya?” Humahangos na dumating si Kai sa bahay nina Aman. Animo’y susugod sa gyera ang anyo ng dalaga. Hindi man sumagot si Aman ay tiningnan nila si Dhenna sa may sulok ng living room. “Dhenna...” Dadaluhan sana agad ni Kai ang kaibigan dahil animo’y iba na ang kinikilos nito. Parang may kinakatakutan. “Kai, wait!” Pero mabilis na hinaklit sa braso ito ni Aman. “May hindi ka ba sinasabi sa amin na nangyayari kay Dhenna?” “Anong ibig mong sabihin?” Nagtaka si Kai. Kinilabutan siyang bigla. Si Randy na tahimik na nakaupo sa sofa na siyang tumitingin kay Dhenna ay napatangin na rin sa kanya. Matapang na sinalubong ni Kai ang tingin nito. “Look at her?” Parang may mali sa kanya. Kanina ko lang napansin,” sabi ni Aman. “Anong sinasabi mo?” Pumiglas na si Kai mul