***MANET*** “I'm back, Hon.” Masayang bungad ni Randy. Madami itong bitbit na mga pagkain na naka-paper bag. Mabilis na itinagilid naman ni Manet ang mukha saka pasimple niyang pinunas ang mga luhang pilit pa ring kumakawala sa pagtulo. Wala na si Dhenna pero feeling niya ay umaalingawngaw pa rin ang malademonyong halakhak ng malanding babaeng iyon sa bawat kanto ng kuwarto. Nang makalapit si Randy at mailapag ang mga dala nito sa lamesa ay hinalikan siya sa pisngi. “What would you like to eat first? Lahat ng paborito mo ay binili ko.” “K-Kahit ano,” sagot niya. Pinilit niyang maging normal ang kanyang tinig. Buti na lang at hindi napansin ni Randy ang mga luha niya. Ilang minuto lang kasi ang pagitan ni Randy at Dhenna. Muntik pa ngang magpang-abot, buti na lang at hindi. Inilunok n