***DHENNA*** Ang laki ng pagkakangisi ni Dhenna nang makita na niya sa side mirror ng taxi ang taong kanina niya pa inaabangan na lumabas sa ospital. “Ganyan nga. Iwanan mo ang asawa mo para maging masaya na kaming dalawa,” at tuwang-tuwang naiwika niya pagkuwan ay humalakhak. Ang mga mata niya’y hindi inaalis ang tingin sa babaeng pinapanood. “Ma’am, okay ka lang?” ang driver ng taxi. Patuloy siya sa pagtawa. Wala siyang pakialam sa nagtatakang taxi driver. Basta masaya siya. Masayang-masaya dahil naging effective ang naging plano niya. Kanina, pagkatapos niyang kausapin at bantaan si Manet ay hindi siya umalis sa ospital. Nagtambay siya sa labas, dahil inaasahan na niyang mangyayari ang ganito, ang umalis si Manet dahil sa takot sa ginawa nitong multo. Well, talaga namang nakakahiy