***AMAN*** Inis na inis si Randy na nilisan ang Security Surveillance Room ng Malvaro Hospital. Naiwan naman si Aman na nakatulala sa kinauupuan. “Sir, tubig po?” alok sa bottled water ng isang gwardya sa binata. Aman shook his head politely. Hindi siya nakakaramdam ng uhaw o ni gutom. Busy ang kanyang isipan sa pag-iisip. Nang lumayo sa kanya ang guwardya ay naihilamos niya ang dalawang palad niya sa mukha. Katulad ng kanyang Kuya Randy ay hindi niya lubos maisip bakit ganoon ang ginawang hakbang ni Manet. Naguguluhan siya. Ano kayang nangyayari kay Manet? Bakit gano'n ang ginawa nito? Bakit ito umalis? At saan nito binbalak magpunta? “Excuse me, Sir, pero baka kilala niyo ang babaeng ito na dumalaw kanina sa pasyente?” Mayamaya ay pamumukaw ng isa pang guwardya sa kanyang atensyon.