***DHENNA*** THREE DAYS LATER.... “Alam mo nagmumukha na tayong tanga dito. Umuwi na tayo,” ungot ni Kai nang ma-boring na naman. “Konting tiis na lang. Lalabas na iyon,” pakiusap naman ni Dhenna sa kaibigan. Dalawang araw na silang ganoon ni Kai na naghihintay sa labas ng bahay nina Randy at Manet. Umaasa siyang sa ganoong paraan ay makikita niya si Randy at makakausap. Simula kasi iniwan siya nito sa ospital noong nawala si Manet ay hindi na niya ito nakita. Ni hindi na matawagan. Gayundin si Aman. Isa pa ang mukong na iyon na parang naglahong parang bula. Porke naka-leave sa trabaho. Asar. “Sandali...” Lumabas na siya sa kotse ni Kai. “Hoy, anong gagawin mo?” nabahalang awat sa kanya ni Kai. Ito man ay napalabas din sa kotse. “Kailangan sigurong kalampagin ang gate nang mapi