***DHENNA*** “Where to?” tanong ni Randy sa kanya habang nagda-drive. Ngiting-ngiti ito. “Ikaw? Saan ba?” Nakapulupot ang mga kamay ni Dhenna sa leeg ni Randy. Kung makalingkis siya’y parang maglalaho si Randy. Para ba’y mawawala ito sa kanya kaya ayaw niyang pakawalan. “Ikaw na mag-isip. Saan mo gusto?” Bago sumagot ay mapusok na hinalikan muna ni Dhenna sa mapupulang mga labi ni Randy. May pilya siyang naisip: hindi niya ipapaalam kay Randy na alam na niya na may asawa ito. He wants a game; then she will play with him. At sisiguraduhin niya na kasama sa laro nila ang bahay-bahayan. Siya ang magiging misis at si Randy ang kanyang mister. “Gusto ko sa place mo sana kung okay lang?” nang-aakit na aniya. Nilaro-laro niya ang necktie ni Randy kaya naman kitang-kita niya ang pasimpleng