***MANET*** Pabuntong-hininga na naibaba ni Manet ang kanyang cellphone. Unattended na naman kasi ang number ni Randy na kanina niya pa tinatawagan. Sa taon na pagsasama nila ay ngayon lang talaga niya hindi ma-contact ang asawa. Mali, kahit noong isang araw pa pala. Ngayon-ngayon lang niya napapansin na madalas na naka-off ang cellphone ng kanyang asawa which is unusual. Hindi nagpapatay ng cellphone si Randy. Noon nga ay ito pa nga ang tawag nang tawag sa kanya, eh. Halos oras-oras ay kinukumusta siya kapag hindi ito busy sa trabaho. Kagat ang pang-ibabang labing napaisip si Manet. Is there something she doesn't know Randy is doing? Pero ano naman kaya iyon? Hanggang sa tumahip na naman ang kanyang dibdib gawa ng hindi niya maipaliwanag na kaba. Gayunman ay ayaw niyang mag-isip ng