***AMAN*** “How is she?” tanong ni Aman sa kanyang bayaw nang makasunod siya sa ospital matapos niyang ihatid si Dhenna. “Sabi ng doktor ay maayos na ang kalagayan niya pero hindi pa siya gumigising,” nanlulumong sagot ni Randy. Hawak-hawak nito ang isang kamay ni Manet. “Eh, ang baby?” “Nailigtas siya. Makapit daw ang bata.” Aman breathed a sigh of relief. “Mabuti na lang kung gano’n.” Tumango-tango si Randy. “About Dhenna, inihatid ko na siya. She’s fine,” sabi niya pa rito kahit hindi nagtatanong ang bayaw. Alam niyang iniisip din nito ni Dhenna kahit paano. Tumingin sa kanya si Randy. Nagtataka. At sasabihin niya sanang kilala niya si Dhenna, kilalang-kilala dahil hindi lang niya ito katrabaho kundi matalik na kaibigan pa nga, subalit hindi na niya iyon nasabi dahil sa big