***RANDY*** Tanghalian. As usual ay nasa kanya-kanya nang puwesto sa may silong ng manga ang kakaing mga trabahador ng Villademoza Farm, at kasama pa rin sa kanila syempre si Randy. Masarap ang ipinaluto ni Ma’am Manet nila ngayon na ulam sa cook, may sabaw na tinolang native na manok kaya ang tatakaw ng mga kalalakihan. Halos mag-agawan sila sa mga laman-loob. “Daddy!” halos patapos na si Randy sa pagkain nang marinig niyang tawag sa kanya ni Liam. Mabilis na sumilay sa mga labi niya ang maluwang na ngiti nang makita niyang nakaangkas ang kanyang anak kay Kuya Alee nito kay Stallion. Madali niyang ibinaba ang kanyang plato at tinungo ang anak. Tinulungan niya itong makababa sa kabayo. “Bakit ka nandito? Wala ka bang pasok sa school ngayon?” tanong niya nang maibaba niya ito. “N