***DHENNA*** "Hey!" Dhenna poked Kai in the ribs. Wala na kasing kaimik-imik ang kanyang kaibigan habang siya ay kilig na kilig tungkol sa nangyaring balibagan nila ni Randy sa kama. Take note, sa kama pa nila ni Manet at nakailang rounda pa sila. Sobrang tuwang-tuwa siya dahil hindi niya akalaing magagawa niya iyon; ang magpakasarap sa kandungan ni Randy sa kama mismo nilang mag-asawa. Wala na si Randy. Kaaalis lang. Iniwan sila na walang sali-salita. Iniwan na lang sila roon ni Kai na para ba’y sinabing bahala na kayo riyan. Malamang ay nahiya si Randy na palayasin siya dahil kay Kai. “Puwede na ba akong umuwi? Wala naman na si Randy. Nasu-soffocate ako sa bahay na ito. Hindi ako makahinga,” angal ni Kai. Inirapan niya ito. Naiinis na naman siya sa kaartehan ng kaibigan pero hindi n