***RANDY*** Napabalikwas ng bangon si Randy. Oras agad ang naitanong niya sa kanyang sarili. "Ah!" Pero bigla ay napangiwi siya’t nakapa niya ang ulo nang makaramdaman siya ng matinding kirot. Parang mahahati ang kanyang ulo sa kanyang pakiramdam. Saglit na nagtaka lang naman siya dahil naalala naman niya agad ang pagpapakalasing niya kagabi. Uminom siya nang uminom na parang wala ng bukas, na parang mauubos na ang alak sa mundo. He let out a frustrated breath. Wala na si Manet. Kung nasaan ito ngayon ay wala siyang kaide-ideya, only heaven knew where was she, dahilan kung bakit siya nagpakalunod ng alak kagabi. Hindi niya matanggap na iniwan na siya ng kanyang asawa. Sobrang sakit sa loob niya at sinisisi niya ang sarili. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Pinakalma niya ang s