PART 3

1164 Words
*****DHENNA***** "Bakit hindi mo sinipot? Anong nangyari?" tanong ni Kai na gulat na gulat sa sinabi niya. "Nawalan ako ng gana, eh," busangot na sagot niya. Hindi niya ito matingnan dahil siya ang nagmamaneho sa kinasasakyan nilang kotse. Pauwi na silang magkaibigan mula sa trabaho. Finance staff sila ni Kai sa Banklink Financing Company, isang malaking financing company. May sapat na sahod at kontento naman sila. Natampal ni Kai ang sariling noo. "Nakakahiya sa tao. Ipinagmalaki pa naman kita sa kanya tapos gano’n ang ginawa mo?" Iningusan niya ito. "Ano'ng magagawa ko kung hindi ko na siya type makita dahil may nakita akong mas type ko?” "Ang gaga mo talaga," gigil na naibigkas ni Kai. Kulang na lang ay sabunutan na siya sa sobrang paghihinayang. “Huwag ka nang magalit dahil mas guwapo naman siya kaysa sa Neil mo." “At sino naman siya, aber?” “Makikilala mo rin siya at sinisiguro ko sa ‘yo mamamatay ka sa kilig. Kalimutan mo na ang Neil na ‘yon. I-block mo na siya sa lahat ng social media accounts mo.” Ngumiti na nga si Kai. “Guwapong-guwapo ba talaga? Sa'n mo nakita? Sino'ng kamukha na oppa natin?" “Secret,” pilyang pambibitin niya rito. “Sino nga? Si Lee Min-Ho ba o si Ji Chang Wook?” mga tanong pa rin nito. Niyugyog-yugyog na ang kanyang braso. Hindi na makapaghintay. Hindi kasi sapat sa kanilang magkaibigan ang guwapo lang, dapat guwapong-guwapo. Dapat iyong mukhang Koreano. Kinain na kasi sila na magkaibigan ng mga Korean Drama na pinapanood nila tuwing gabi o kapag rest day nila sa trabaho. Ipinangako nila sa isa’t isa na dapat ang mapapangasawa nila ay mukhang Koreano kung hindi ay hindi sila dadalo sa kasal ng sino man sa kanila na mauunang ikasal. "Stop it, Kai! Gusto mo bang mabangga tayo? I'm driving, oh," kinabahang saway niya sa kaibigan. Sa ginawa kasi ni Kai ay gumiwang konti ang kotse dahil hindi niya nakontrol ang manibela. Sa kabila niyon ay natatawa rin siya. "Sabagay kotse mo naman, 'to." Natigil bigla si Kai. Humalukipkip na lang. Sa kilig ay nakalimutan nitong nagda-drive si Dhenna. "Sabihin mo na kasi kung sino siya at bakit nagawa mong balewalain ang super-guwapong si Neil Austria. Siguraduhin mong mas guwapo talaga siya kundi itatakwil kitang kaibigan." Nakangiting tumango si Dhenna na may halong kilig. She couldn't help it dahil sa tuwing naalala niya ang guwapong mukha ng lalaking napagkamalan niyang Neil ay hindi niya talaga mapigilang kiligin. "Kaya pala, pero kawawa naman si Papa Neil. Alam mo bang tawag nang tawag sa ‘kin 'yong tao kahapon at kanina. Hindi ko lang sinasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya." "Hayaan mo na 'yon dahil oras na makita mo ang nakita ko ay baka malaglag din ang panty mo. Isama na rin 'yang bra mo," mayabang na aniya. Ang tamis ng kanyang pagkakangiti habang inaalala niya si Randy sa isip niya. "Okay. Sa'n ba siya sa one to ten?" "Eleven," mabilis na sagot niya. Nagtatawa si Kai. Kinilig pa lalo. "Sinong oppa?" "Paghaluhin si Min Ho at Wookieeeee!" patili niyang sagot. Mga asawa niya ang mga binanggit niya, asawa niya sa mundo ng mga Korean Drama. Sina Lee Min-Ho at Ji Chang-Wook na mga Korean Actor na mga nabanggit na kanina ni Kai. Ang totoo malayo si Randy sa kanila. Mexicano ang datingan talaga. Gusto niya lang tigilan na siya ni Kai. Nagtitili na silang magkaibigan at nang nag-red light ang traffic light ay naghawakan pa sila sa kamay saka nagtitili. Tapos ay ang saya nilang nagtatawa. "Ano'ng name niya?" pag-uusisa pa ni Kai sa kanya nang pinaandar niya ulit ang kotse. Mas lalo itong naintriga tungkol kay Randy. Ngumuso siya. “Huwag kang madaya. Lahat nang nata-type-an kong lalaki sinasabi ko sa ‘yo, ah.” "Randy raw," sagot na nga niya. Nakatutok na ulit ang tingin niya sa kalsada. "Naka-text mo na siya kagabi o naka-chat? Ano'ng Famebook Account niya? Tingnan ko nga if totoo ang sinasabi mo." Sa mga tanong lang na iyon siya natameme dahilan para umangat ang isang kilay ni Kai. "Hindi niya kinuha ang number mo? At lalong hindi ka niya ini-add sa Famebook, tama ba ako?" Rumihestro ang inis sa kanyang mukha. "May dumating kasing buntis." "Aw! So, may asawa pa pala? Ipinagpalit mo si Neil sa lalaking may asawa? Gosh!" nadismayang sumbat ni Kai. Nag-wave pa ito ng buhok. Kay bilis na nawala ang pagkagusto nito sa lalaking ibinibida niya. At hindi niya ito masisisi dahil galit talaga ito sa lalaking may asawa na nakikipagrelasyon pa sa mga dalaga. Nagkaroon kasi noon daw ang ama nito ng kabit din kaya nagkasira-sira ang pamilya nila. "Asawa agad? Sa pisngi lang naman niya hinalikan 'yong girl na buntis, eh. Malay mo ate niya," pagtatanggol niya kay Randy. Kahit na iyon din ang unang pumasok sa isip niya kahapon, ayaw lang niyang tanggapin ang posibilidad. "Whatever!" sambit ni Kai. Pinikit na nito ang mga mata, senyales na ayaw nang makinig sa sinasabi niya. Kahit nang maihatid niya ang kaibigan sa bahay nila ay hindi siya pinansin. “Susi mo,” abot niya sa susi ng kotse nito kahit na puwede naman niya iyong iwanan sa kahit na anong parte sa bahay. “Manang Rose, pakikuha ang susi,” pero imbes na kunin iyon sa kanya ay utos ni Kai sa kasama nito sa bahay. Malalaki ang hakbang na umakyat na ito sa hagdanan. Sa lahat ng ayaw niya ay nag-aaway silang magkaibigan. “Ibibigay ko po sa kanya,” kaya aniya kay Manang Rose nang akmang kukunin nga nito ang susi sa kanya. “May hindi na naman ba kayo nagkasunduan?” Tumango siya sa matanda. “Opo, alam niyo naman po ang alaga niyo masyadong sensitive. Feeling niya yata ay boyfriend niya ako na gusto laging nanunuyo sa kanya.” Natawa konti si Manang Rose. “Ikaw na ang umunawa sa kaibigan mo. Hala’t sige ako’y magluluto. Dito ka na kumain ng hapunan.” “Ano pong ulam?” paglalambing na niya. Sa tagal na nilang magkaibigan ni Kai ay parang nanay na rin niya si Manang Rose. “Sinigang na salmon. Ang paborito niyo.” Hahaba-haba ang nguso at sisingkit-singkit ang kanyang mga mata na tumingin sa taas. “Ang mabuti pa ay tulungan na lang kitang magluto, Manang,” pagkuwa’y aniya sa matanda. “Akala ko ba’y susuyuin mo ang - “ Hindi niya pinatapos ang sasabihin ni Manang Rose. Hinila na niya ito. “Ipagluluto po muna natin siya kasi siguradong mainit pa ang ulo niya. Mamaya pagkababa niya ay for sure ayos na ang bruha,” saka pilyang bulong niya sa matanda. Saglit na napamaang si Manang Rose pero hindi rin naman nagtagal ay napangiti na ito. “Parehas talaga kayong magkaibigan na luka-luka.” Malutong ang naging tawa niya. Wala siyang nararamdamang pagkabahala dahil alam naman niyang hindi siya matitiis ni Kai. Mabo-boring ang gaga na iyon kapag hindi siya ang kaibigan nito......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD