*****DHENNA*****
"Hello, Hon? Daan ka muna sa palengke, please? Bilhan mo ako rambutan. Nagke-crave kasi ako ngayon," paglalambing agad ni Manet sa kabilang linya nang sagutin ni Randy ang tawag ng kanyang asawa.
Sinipat ni Randy ang relo nitong pambisig. Alas-singko pa lang naman ng hapon. May oras pa para dumaan ito sa prutasan.
"Okay, Hon. No problem. Dadaan ako roon," saglit ay tugon na nito sa pinakamamahal na asawa. Kahit hindi nito kaharap si Manet dahil nagmamaneho pa lang ito pauwi ay nakangiti itong nakikipag-usap.
Hanggang ngayon ay naglilihi pa si Manet kahit limang buwan nang buntis, which is normal according to his wife's OB-Gynecologist. Meron nga raw buntis na halos manganganak na, eh, naglilihi pa rin.
Pasalamat na lang niya at hindi siya pinahihirapan ni Manet. Mga prutas lang ang ikinukulit sa kanya ng asawa, especially rambutan. Hindi rin maarte o nagkakaroon ng tupak. Hindi tulad ng iba na magpapabili ng rambutan pero dapat walang tusok-tusok o kaya naman kulay purple.
"Thanks, Hon. Ingat ka sa pagda-drive. I love you." Tapos naging mas malambing pa si Manet. Panay ang ‘I love you’ mapatawag man o magkasama sila sa bahay.
"Love you more," tugon ni Randy. Totoo, he loves his wife very much. Wala na itong hahanapin pa kay Manet, lalo na ngayon na mabibigyan na siya nito ng anak.
Pinatay na ni Manet ang tawag. Si Randy naman ay iniliko ang sasakyan nang maabot na nito ang U-Turn ng high way na binabagtas.
Pagdating sa wet market ay ipinark nito ang kotse sa malapit sa mga prutasan. Natanawan agad nito ang kumpol ng rambutan sa isang puwesto. Hindi talaga ito namamalengke pero dahil sa sitwasyon ni Manet ay kailangan ito muna ang gagalaw, at syempre hindi ito nagrereklamo. Actually, nag-i-enjoy nga ito na sundin lahat ang iniuungot ng asawa, siguro ay dahil kung saka-sakali ay first baby pa lang nila ang dinadala ni Manet.
Ang hindi nito alam ay may biglang pares na mata na namamangha habang nakatingin sa kanya. Si Dhenna, ang babaeng napagkamalan siyang ka-eyeball nito noong isang araw.
Napangisi si Dhenna nang nakita niyang sa puwesto ng kanyang tiyahin ang tungo ni Randy. She doesn’t believe in destiny pero sa nakikita niya ay gusto na niyang maniwala dahil pinagtagpo ulit sila ni Randy.
Sa isip ng dalaga ay hindi naman siguro sila magkikita pa ni Randy kung walang dahilan.
Her lips thinned. Kinilig siya nang sobra. Pagkuwa’y kumilos na siya pasunod kay Randy. Buti na lang pala at tinawagan siya ng kanyang Tita Saima kanina na siya ang kukuha sa tindera nila ng mga pinagbentahan kahapon. May lakad daw kasi ang Tita niya ngayon na importante. Buti na lang pumayag siya.
"Magkano isang kilo, Miss?" Narinig niya na tanong ni Randy sa tindera ng Tita niya.
Grabe, parang gusto nang magwala ang kanyang puso habang nakatitig siya sa lalaki. Ang guwapo talaga kasi ni Randy. He looks incredibly handsome in his formal suite. Nakatupi ang polo shirt nito na kulay blue hanggang sa siko nito kaya kita niya ang parang nang-aakit nitong mga bisig.
Napakagat labi siya. Ang sarap siguro kumapit sa mga bicep ni Randy.
Hindi niya alam pero nabuhay ang p********e niya. Parang ngayon lang naramdaman ng pagkatao niya na kailangan niya ng lalaki sa buhay niya’t ayaw na niyang maging single. Hindi na siya aasarin ni Kai na tomboy dahil sa wakas nagkagusto na siya sa isang lalaki.
Well, madami naman siyang manliligaw, lalo na sa Dating App na account niya na ginawa ni Kai pero wala talagang nagpasirko pa sa puso niya. Hindi tulad ni Randy na parang any time ay gusto na niyang ilabas ang kanyang panty at iwagayway.
"Fifty pesos po, Sir," sagot ng tindera kay Randy. Halatang kinikilig din ang gaga kay Randy.
"Sige, bigyan mo ako apat na kilo. Matamis ba 'to?"
"Of course matamis 'yan, Sir," hindi na nakatiis na paniningit na niya sa dalawa. "Kasing tamis ng mga ngiti ko, Sir," saka ngiting-ngiti niyang sabi. Kung pwede nga lang ay landiin na niya agad si Randy ay ginawa na niya, pero hindi niya gagawin muna dahil baka ma-offend ito sa kanya. Ang gusto niya lang muna ngayon ay makilala na niya si Randy at maging friends na sila.
Nagtaka tuloy si Randy na tumingin sa kanya. Kinilala siya siguro at sa huli ay ngumiti rin. Napamaang nga lang siya dahil hindi man lang siya nito kinausap o nagsalita man lang. Naging busy na ito sa pamimili ng rambutan na bibilhin.
Nainis konti si Dhenna. Ibig kasing sabihin niyon ay hindi siya naalala or worst hindi ito interesado sa kanya.
"Ate Dhenna, ready na po 'yong kukunin niyo," sabi ng dalagitang tindera sa kanya. Sinenyasan niya ito sa mata na tumahimik.
"I guess you don't remember me," napilitang parinig niya kay Randy. She crossed her arms over her chest with a sexy poise. Pinalungkot niya rin ang kanyang mukha.
Nagwagi naman siya dahil nabaling ulit ang tingin ni Randy sa kanya, ngunit tingin na na may pagtataka.
Napatitig si Randy sa mukha niya kaya ngumiti ulit siya nang matamis at sinabayan niya ng bahagyang pag-tilted niya ng ulo. Hinaluhan na niya ngayon ang gesture niya nang konting landi.
"Um, yeah...” Saglit ay napapitik sa hangin si Randy saka itinuro siya. "Naalala ko na. Ikaw 'yong girl na may ka-date sa Ventris Mall. Iyong napagkamalan mo akong ka-eye ball mo."
She laughed lightly and seductively. "Ang tagal mo namang naalala?"
"I'm sorry. Iba kasi ang porma mo noon at mas maganda ka ngayon."
“Hindi naman.” Abo't hanggang tainga ang naging ngiti niya
Shit! Kilig na kilig siya. Sinabihan siyang maganda ngayon, so it means attracted din ito sa kanya. Puwede na siyang mamatay.
"Sir, ito na po ang rambutan," ngunit ay wrong timing na paniningit na naman ng tindera sa usapan nila. Inirapan niya ulit ito. Ipatanggal niya kaya ito sa trabaho? Tss!
"Thank you." Kinuha iyon ni Randy at kumapa sa bulsa ng pambayad.
"Ang dami niyan, ah," papansin niya ulit upang makapag-usap pa sila. "Kakainin mo lahat 'yan?"
Medyo natigilan si Randy sa pag-open nito sa wallet at napatanga sa kanya.
"Ah, alam ko na. Para 'yan sa babaeng buntis na kasama mo noon sa mall, tama ba? Naglilihi pa ba kahit malaki na ang tiyan?" Pasimpleng sinulyapan niya ang daliri ni Randy at nasiyahan siya dahil walang wedding ring.
"O-oo. Ano... tama ka naglilihi pa. Gustong-gusto niya ang rambutan," medyo nautal sa una na tugon ni Randy. Hinugot nito ang isang daan na malutong sa wallet at ibinayad sa tindera. "Salamat, Miss."
"Lyn, dagdagan mo ang binili ni Sir kasi kaibigan ko siya," utos ni Dhenna sa tindera ng Tita niya. Nagpa-impress siya.
"Para 'yan kasi sa Ate niyang buntis. Tama ba ako?" pagkuwa'y tanong niya kay Randy. Nais niyang i-confirm na walang asawa talaga si Randy at tama ang hinala niyang kapatid lang nito ang buntis na iyon.
Hindi agad nakasagot si Randy. Napalunok ito. Gusto nitong sabihin na para sa asawa nito ang prutas subalit parang may biglang bumara sa lalamunan nito. Ang ganda kasi ng babaeng kausap nito at ang sexy. Ang liit ng beywang pero ang umbok ng balakang. Ang dibdib pumuputok sa lusog. Wari ba’y hirap na hirap ang mga butones ng blouse nito na huwag magtalsikan.
Patawarin sana ito ni Manet pero tumango na lamang si Randy bandang huli.
Mas ngumiti pa si Dhenna. Kitang-kita na mas nagliwanag pa ang mukha niya at wala siyang pakialam kung obvious na obvious siya.
"Wait lang, dagdagan natin 'yan. Alam mo kasi, eh, dapat madaming prutas ang kinakain ng buntis para healthy ang baby." Yumuko si Dhenna. Tinulungan niya ang kanilang tindera na mamili ng idadagdag sa rambutan na pinamili ni Randy. Paraan na rin niya para maitago ang sobrang kasiyahan. Her instinct never failed her. Buti na lang at hindi nagdilang anghel si Kai na may asawa na si Randy.
Napalunok naman si Randy. Paano'y sa pagyuko ni Dhenna ay medyo nasilip nito ang maumbok na dibdib ng dalaga. Bahagyang napakislot tuloy ang p*********i nito na ilang buwan nang nangangailangan. He wants to undress her with kisses slowly right away. F*ck!
"Ayan. Para suki na tayo," malambing na wika ni Dhenna nang ibalik niya ang supot ng rambutan kay Randy.
Napaubo si Randy at pilit na ngumiti. He shook his head to clear away the horrible and immoral thing in his head. Hindi na ito makaimik sa tindi ng tensyong nararamdaman. Nakapang-iinit ng dugo at katawan ng babaeng kausap. Kailangan nito ng tubig. Sh*t!
"By the way, Dhenna Ordeza nga pala ang pangalan ko at baka nakalimutan mo rin." Inilahad ni Dhenna ang kanyang kamay. Kung alam lang ni Randy ay daig pa niya ang tumama ng lotto sa nalamang binata pa ito.
May alinlangan man ay inabot ni Randy ang palad ng dalaga. "I'm Randy, Randy Daseco. Pleased to meet you, Dhenna."
Na maling pagkakamali pala dahil muli itong napalunok. Muli itong nadarang dahil ang init ng palad ni Dhenna. Parang gusto nito tuloy maramdaman din kung gaano kainit ang buong katawan ng dalaga.
Biglang nag-flash sa balintataw ni Randy ang nakangiti at napakagandang mukha ng asawa nito. Iglap ay natauhan na ito. Para itong napaso na bumitaw sa kamay ni Dhenna. Sa loob-loob nito'y mali, mali na nadadarang siya sa alindog ng ibang babae. May asawa na siya at kasalukuyang buntis pa.
"Thanks for this." Itiinaas ni Randy ang supot upang iwala ang tensyon nito.
"Welcome. Uuwi ka na ba? Baka gusto mong mag-snack muna?" Ang hindi alam ni Randy pero pansin na ni Dhenna ang hindi nito pagkapakali. Lihim na napapangisi siya.
"Ops, 'wag kang mag-isip nang hindi maganda. Friendly lang talaga ako sa mga gusto kong tao," agap niyang sabi nang napatunganga sa kanya si Randy. "I mean sa mga taong mababait just like you."
Napakamot sa batok si Randy. Hindi ito tanga para hindi nito maunawaan ang gustong tumbukin ni Dhenna. Gusto siya ng babae and he was certain of it. At sino ba naman ang tatanggi sa maganda at sexy na babae?
Makapaghihintay naman siguro si Manet......