***DHENNA***
Sumakay si Dhenna sa jeep na huminto sa kanyang kinatatayuan. Wala na si Kai, nauna na itong umuwi kaya naman hindi siya nakasabay sa kotse nito.
At sa tuwing sumasakay siya sa jeep ay napapabuntong hininga siya. Nararamdaman niya kasi lalo ang pananabik na makabili na ng sarili niyang kotse. Matagal pa na makakabili siya kaya kahit sawang-sawa na siya sa pagko-commute ay wala siyang magagawa.
Ang totoo ay kaya naman siyang ibilhan ng Tita Saima niya ng kahit anong brand ng sasakyan na gugustuhin niya, nga lang ayaw niya. Madami na siyang utang na loob sa kanyang tiyahin, ayaw na niyang dagdagan pa.
Makapal ang kanyang mukha, oo, pero pagdating sa kanyang tiyahin ay tiklob siya. Hindi niya magagawang i-take advantage ang kabaitan nito sa kanya. Ayaw niyang iasa ang lahat sa kanyang Tita Saima, lalo na ngayon na may trabaho na siya.
Niyakap niya ang shoulder bag na umayos ng upo. Tatlo pa lang silang pasahero kaya tumigil muna ang jeep para magtawag pa ng pasahero ang driver. Wala naman siyang reklamo dahil pinapatay niya rin naman ang kanyang oras. Wala naman kasi siyang gagawin sa pagdating niya sa bahay.
Hanggang sa naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone sa kanyang bag. May text message galing sa kayang Tita Saima. Nang buksan niya ang mensahe ay nakikiusap ang kanyang tita ulit na dumaan siya saglit sa puwesto nitong prutasan kasi wala raw kasama ang tindera nito.
Tinipa niya ang touch screen na kanyang cellphone. Nag-reply siya. Sinabi niyang papunta na siya sa prutasan. Hindi siya puwedeng umangal dahil ang tita niyang iyon ang tumulong sa kanya para makatapos siya noon ng pag-aaral.
"Talaga? Sinuko mo na ang iyong bataan sa lalaking iyon? Eh, one month pa lang kayong mag-on, 'di ba?" pabulong iyon pero umabot sa pandinig ni Dhenna. 'Yung isang pasahero ang nagsalita, kausap nito ang isa pang pasahero.
Noon lang napansin ni Dhenna na tatlo pala silang babae na pasahero ng jeep.
"Oo dahil doon din naman ang punta ng relasyon namin. Patatagalin ko pa ba? Baka titikim pa sa iba at ipagpalit ako, eh,” pangangatwiran ng babae.
“Gaga ka talaga,” nakatawang saad naman ng isa.
“Ang sarap, eh. Saka at least may habol na ako sa kanya ngayon, hindi na siya makaangal sa 'kin. Huwag lang siya gagawa ng katarantaduhan dahil mapapatay siya ng tatay ko kapag nagsumbong ako na nagalaw na niya ako," humagikgik na sagot pa ng isa.
"Sira ulo ka talaga. Bakit sure mo na bang siya na?"
"Oo naman. 'Di ko na 'yon pakakawalan. Kaya nga binigay ko na lahat, eh."
Hindi napigilan ni Dhenna na hindi mapatingin sa dalawang nag-uusap na mga dalagita pa lamang. Natigil tuloy sila sa chikahan. Mga nahiya na siguro kasi doon pa talaga sa pampublikong sasakyan nila pinag-uusapan ang mga napakasensitibong topic na iyon. Tapos ang lakas pa ng mga boses.
Napabuntong-hininga naman siya at kunwari'y wala lang sa kanya ang kanyang mga narinig.
Hindi siya nag-iisip ng hindi maganda sa babae. Para sa kanya ay tama lang naman 'yon. Ika nga nila ay kung mahal mo 'wag mo nang pakawalan. 'Wag ka nang aarte-arte pa. Dahil sa panahon ngayon daig na ng malandi ang pa-virgin.
At bigla'y sumagi sa isip niya si Randy. Bigla niyang na-miss ang binata.
Bakit kaya hindi pa siya tine-text o tinatawagan? Ibinigay na nga niya ang number niya, eh.
Actually, sinearch niya si Randy sa Famebook kagabi. Ang kaso’y walang Randy Daseco na naging resulta. Takang-taka siya. Pinayapa na lamang niya ang sarili sa kaisipang baka iba ang pangalan ni Randy sa Famebook. Uso na kasi ang gano'n for privacy raw. Iyong iba pa nga ay binabaliktad pa o kaya naman pangalan na ng anak nila ang ginagamit.
Napalabi siya. Sabagay, ang tingin niya kay Randy ay mailap yata na lalaki. May pasuplado effect. Gayunman ay hindi siya susuko na mapagusto si Randy. Isinusumpa niya, kung bibigyan siya ulit ng pagkakataon na magkita sila ay sisiguraduhin na niyang hindi na niya ito mapapakawalan.
Isang sulyap pa ang iginawad ni Dhenna sa dalagitang nagsalita kanina. Ang totoo kasi ay tulad din nito ay virgin pa siya. Isa siya sa malandi kung umasta pero virgin pa. Totoo.
At ang tanong, kaya rin kaya niyang isuko ang kanyang virginity para sa lalaking gusto niya?
Lihim na napangisi siya sa naisip. Well, gustong-gusto niya talaga si Randy. So, bakit hindi? Kung sa paraan na iyon din niya maiitali sa leeg si Randy, eh, di game.
Napahagud siya sa kanyang leeg. Bigla kasing nag-init ang kanyang pakiramdam. Bigla ay nakaramdam siya ng pangangailangan. Why on earth suddenly she felt of extremely lust about a man? Gayung noon naman ay wala siyang pake sa mga lalaki.
Umandar na ang jeep. Iwinaksi niya muna ang makamundo niyang pagnanasa para kay Randy.
Mayamaya lamangu ay narating na niya ang pwesto ng kanyang Tita Saima. Naglalakad siya nang matigilan siya. Nakikilala niya kasi agad ang likod ng lalaking ina-assist na customer ng tindera ng kanyang tita.
Si Randy na naman. Si Randy na hinuhubaran niya sa isipan niya kanina.
Bumibili ulit ng prutas si Randy at parang mas gumuwapo pa ito ngayon sa kanyang paningin.
Pilyang ngiti ang sumilay sa labi niya. Mukhang kakampi niya ngayon ang langit, langit ng kamunduhan.
Binuksan niya ang isang butones ng kanyang blouse. Inayos ang dibdib. Sinigurado niyang kita ang kanyang cleavage upang maging kaakit-akit ang kanyang hitsura. Pagkatapos ay inilabas naman niya ang cellphone at lumakad na siya palapit. Kunwa'y busy siya sa pagte-text tapos ay sinadya niyang ibinangga ang sarili kay Randy.
"Opps, sorry!" sambit niya kunwari na sobrang gulat. Napakapit siya sa braso ng binata. At iyon pa lang na matigas na parte ng katawan ni Randy ang nahawakan niya ay halos kumbulsyunin na siya sa init na sumingaw sa katawan niya. Gosh!
“Ayos ka lang?” Nasa mukha rin ni Randy ang pagkagulat din habang nakaalalay sa kanya.
“O-oo. Ikaw? Hindi ba kita nasaktan?” Hinaplos-haplos niya ang braso nito.
“Hindi naman.”
Nais niyang magbunyi. Kitang-kita niya kasi ang mabilis na pagsulyap ni Randy sa kanyang dibdib kasama na ang paglunok nito na nagpagalaw sa adam's apple nito. Nakita na nito ang kalahati ng maumbok niyang dibdib. At sigurado siyang naramdaman din nito ang kalambutan niyon dahil walang pading ang bra niya ngayon.
"Sorry, ha? Nagte-text ako kasi, kaya 'di ko namalayan na – “
"No. It's okay,” pang-aawat ni Randy sa paliwanag niya.
“Are you sure?”
“Oo naman. By the way, nice to see you again, Dhenna.”
“Same to you. Buti napadaan ka ulit dito.” Nang-aakit na ngiti ang kanyang pinakawalan.
Grabe! Ang lakas talaga ng dating sa kanya ni Randy. Ang guwapo talaga.
"Bumili ako ulit ng rambutan. Nagustohan kasi ng asa – “ Hindi naituloy ni Randy ang sasabihin. Ewan ni Randy pero parang hindi nito masabi ang salitang 'asawa ko' sa harapan ni Dhenna. "... I mean ng ate ko. Nagustuhan ng kapatid ko ang rambutan niyo," kaya dugtong na lang nito.
"Matamis kasi ang mga prutas na paninda ng tita ko. Kasing tamis ko," malanding wika ni Dhenna. Now or never.
“Huh?” Nagtaka tuloy si Randy.
"Joke," kunwa’y bawi niya. Sinadya niyang hampasin ng pabiro bahagya ang braso nito habang nakatawa.
Napakamot-batok si Randy. "Um... nagmeryenda ka na ba? Gusto mo magmeryenda? Ako naman ngayon ang taya?'" tapos ay anyaya nito.
"Sure," mabilis na sagot ni Dhenna kahit na hindi niya inasahan iyon. Mabilis din siyang kumapit sa braso ni Randy. “Saan tayo?”
“I-ikaw?” Muling napalunok si Randy. Sa ginawa kasi ni Dhenna ay dikit na dikit na ang malusog na bibdib ng dalaga sa mga braso niya. Napatingin pa siya roon dahilan para tumigas ang kanyang nakatagong alaga sa may zipper ng kanyang slacks.
Malamig ang panahon dahil paambon-ambon, subalit pinagpapawisan ng malapot si Randy.
“Wait, mag-iisip ako kung saan ang masarap na kainan dito.” Kunwari ay nag-isip nga si Dhenna. Nagkunwari siyang hindi niya nahahalata ang pagkabalisa ni Randy. Hinayaan niyang pagpantasyahan siya nito dahil iyon naman talaga ang gusto niya.
Kung hindi sila ngayon magtatapos sa kama sa isang hotel o kahit sa apartelle ay magpapakamatay na lang siya mamaya. Sure naman siyang mababaliw na siya ng tuluyan kapag hindi pa niya nasilo ngayon si Randy, for pete’s sake!
“Alam ko na. Akong bahala,” mayamaya ay sabi niya nang may isip. Napapitik pa siya sa ere.
“Masarap ba roon?”
“Oo, masarap pero mas masarap ako,” double meaning niyang sagot.
Minsan pa ay natuliro si Randy.
"Saglit lang kami, ha?" paalam naman niya sa tindera ng tiyahin. Pagkuway’y hinila na niya ito.
"What's wrong?" masuyong tanong niya kay Randy nang makalayo na sila sa prutasan. Nagdidiwang ang kanyang damdamin dahil kitang-kita niyang malakas ang epekto niya kay Randy.
"Ah... eh, oo naman. Mainit lang kasi," nautal na sagot ni Randy.
"Gusto mong pumunta sa lugar na malamig?" nang-aakit na tanong niya. Sinamantala na niya ang pagkakataon. Desperada na siya. Bahala na. Wala namang masama dahil dalaga siya at binata naman si Randy.