PART 6

1032 Words
***AMAN*** “Si bayaw 'yon, ah.” Halos magsalubong ang mga kilay ni Aman gawa ng kotse na dumaan sa kanyang harapan. Hindi siya puwedeng magkamali. Sigurado siyang ang kotse iyon ng kanyang Kuya Randy. “Sino 'yong nakasakay na babae?” tanong pa niya sa kanyang sarili na mas ipinagtaka niya. Kahit isang hibla ng buhok ng Ate Manet niya ay kilalang-kilala rin niya kung kaya alam niya at sure na sure siya na hindi ang Ate Manet niya ang babaeng sumakay sa kotse ng kanyang baway. Saglit siyang kinabahan dahil iba agad ang pumasok sa isip niya na senaryo. Ngunit nang pumasok sa isip niya na baka katrabaho o kakilala ng bayaw niya ang babae ay iwinaksi niya ang nadamang kakaiba na iyon. Mali na pag-isipan niya agad ng masama ang kanyang Kuya Randy. Ipinark na niya ang kanyang kotse sa pay parking ng malawak na palengke. Dumaan siya roon upang ibilhan ang kanyang Ate Manet ng pasalubong. Doon na kasi muna titira pansamantala. Nagulat na lang siya noong isang araw nang nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid. Pinakiusapan siyang doon muna siya titira sa kanila upang may kasama raw ito. Buntis pala ang kanyang kapatid kung kaya kailangan nito ng makakasama sa bahay dahil wala raw lagi ang asawa. Hindi na siya nakatanggi dahil ngayon lang humingi si Manet ng pabor sa kanya matapos ang halos sampung taon na sila ay nagkawalay. At naisip niyang maganda ang prutas para sa kondisyon nito. Bumaba na siya sa kanyang kotse. May nadaanan naman siyang mall kanina pero sinadya niyang sa palengke na iyon na lang siya bibili ng prutas ng sa ganoon ay makita rin niya si Dhenna. Alam niyang doon minsan naglalagi ang kaibigan dahil ayon kay Dhenna ay may puwesto roon ang tyahin nito, at madalas si Dhenna raw ang nagbabantay kapag walang pasok sa opisina. Today is Wednesday. Rest day ni Dhenna kaya naisip niyang naroon ngayon ito. Nga lang ay wala raw si Dhenna nang tanungin niya ang dalaga sa tindera. Kaaalis lang daw. Nagkasalisihan daw sila. Sayang... Si Dhenna ay kaibigan s***h ka-opisina niya s***h nililigawan niya pero binasted siya. Hanggang friends lang daw kasi ang kayang ibigay sa kanya ng dalaga. Gayunman, ayaw niya pa ring sumuko sa panunuyo. He's crazily in love with Dhenna. Sa totoo lang, it's been years since he last loved someone. Ngayon lang ulit kay Dhenna kaya ayaw niya sanang sumuko kay Dhenna. Ang kaso matigas na ayaw naman sa kanya. Well, kasalanan naman niya kung bakit ayaw sa kanya ni Dhenna, naging torpe kasi siya noon. Imbes na ligawan niya agad ay nakipagkaibigan muna siya. Ang ending, na-friend zone tuloy siya nang wala sa oras. Saklap. At nais niya sanang hintayin ang dalaga subalit hinihintay na kasi siya ni Ate Manet niya kaya umalis na siya nang makabili ng prutas. "Hay, salamat at dumating ka rin,” naginhawaang bigkas ng kanyang Ate Manet nang mapagbuksan siya nito ng pinto. “Come in.” “How are you, Ate?” tanong niya sa kapatid na ngiting-ngiti. Pumasok na siya. Pinipilit niyang alisin ang awkward niyang naramdaman. Hindi na tama na mailang pa siya rito dahil ang tagal na noong may hindi sila pagkakaunawaan nito. Isa pa’y may maasawa na ito. Siya nama’y may babaen nang minamahal. “Heto tumataba, but I'm good,” tugon ng Ate niya habang isinasara nito ang pinto. Mahahalata sa boses nito ang kasiyahan dahil siguro nagkita ulit sila na magkapatid at magkakasama pa ng medyo matagal-tagal sa kabila ng kanilang nakaraan. Simula kasi namatay ang kanilang mga magulang ay halos nagkanya-kanya na silang buhay na magkapatid. Ang Mommy ni Manet passed away because of cancer at ang Daddy naman niya ay dahil sa car accidenr. Yeah, ang katotohanan, hindi talaga sila magkapatid ng Ate Manet niya. Step sister lang niya ito. At malalaki na sila nang magsama ang kanilang mga magulang, fourteen na siya noon at fifteen na ang Ate niya. Actually, ayaw niya noon na magsama ang Daddy niya at ang Mommy ni Ate Manet niya dahil ang tatanda na nila para mag-asawa pa pero wala siyang nagawa. Isa pang katotohanan, noon din unang nawasak ang puso niya. “Tahimik yata?” pansin niya sa paligid kasabay ng pag-abot niya sa mga prutas na pasalubong niya. “Wow. Salamat dito.” Kitang-kita ang pagkatakam ni Ate Manet niya sa mga prutas, lalo na sa rambutan. Napangiti siya. At napansin niyang maganda pa rin si Manet kahit na malaki na ang tiyan. Wala pa ring pinagbago kahit sampung taon na ang nakakalipas. Hey! What was that?! Stop it! mabilis niyang saway sa sarili. Past is past. Masaya na silang dalawa sa kani-kanilang buhay. Magkasundo. Ayaw na niyang sirain dahil lang sa pag-alala niya sa nakaraan na iyon. “Wala pa kasi si Kuya Randy mo. Nasa work pa. Over time raw siya,” sagot ni Manet sa tanong niya. “Anyway, have you had dinner?” He was momentarily transfixed, ni hindi na niya narinig ang huling tanong ng kanyang Ate Manet. Work? Nasa work pa si bayaw? At OT pa? How's that? dahil ang laman ng isip niya. Takang-taka. Gusto niyang kontrahin ang sinabi ng kanyang kapatid at sabihin na nakita niya kanina ang bayaw sa palengke, tapos may kasama itong babae. Kalokohan na nasa trabaho pa ito. “Hindi mo na ako sinagot. Kumain ka na ba?” “Ah... Eh... H-hindi pa,” alanganing tugon niya. Pinigilan niya ulit ang sarili sa pag-iisip ng hindi maganda sa kanyang bayaw. “Sige, ipaghahanda na kita pero mauna ka na kumain para makapagpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa byahe. Mamaya pa siguro uuwi ang kuya mo na darating. Hihintayin ko muna siya. Sabay na lang kami mamaya na kakain.” Tumango na lamang siya. “Feel at home.” Nang magtungo ito sa kusina ay sunod-tingin na lang siya rito na nakukonsensiya. Minsan pa'y naguluhan siya. Paano kung may ginagawa ngang hindi maganda ang kanyang bayaw? Magbubulag-bulagan ba siya? Naihilamos niya ang kamay sa bunganga. Ano ba ang tama niyang gawin? Sasabihin ba niya na nakita niya si Kuya Randy niya sa palengke kanina pa o hindi? Shit, ang hirap nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD