***DHENNA*** “Diretso pasok ba ng office ang asawa ko?” ala senyorita na tanong ni Dhenna sa tauhan ng kanyang Tita Saima na laging nakabuntot kay Randy nang sagutin nito ang kanyang tawag. Magpasa hanggang ngayon ay binabayaran sila ng kanyang tiyahin, kahit na naroon pa rin sa Paris. At ang totoo naiinis na siya dahil parang nag-i-enjoy na yata ang Tita Saima niya roon kaya hindi pa umuuwi. Ni hindi na rin nga siya kinu-contact. “Ma'am, dumaan po sa isang boutique na pambabae ang asawa niyo. Nandito pa po kami,” sagot sa kanya ng tauhan. As usual mas nakusot ang kanyang mukha. Tila ay isang malaking question mark na may katabing exclamation point ang wari ay umusli sa ibabaw ng ulo niya sa narinig. Wala siyang maalala na anumang okasyon nila sa araw na ito para mag-abala si Randy n