***KAI*** “No! Hindi ako baliw! Bitawan niyo ako!” pagwawala ni Dhenna nang sinusubakan itong pasuotin ng straight jacket, o ng damit pang-mental. “Ma'am, para sa ikabubuti niyo po ito. Huwag po kayong matakot,” gayunman ay malumanay pa rin naman na sabi ng lalaki. Ang ikinagulat nga lang ng lalaki ay nang malutong na sinampal ito ni Dhenna. “Sinabi nang hindi ako baliw! Bingi ka ba?!” “P’re, malala na 'to,” sabi ng lalaki sa kasama saka napailing. “Pasensya na, Ma'am, pero trabaho lang at saka kailangan niyo po kasing magamot,” sabi na ng isa pang lalaki. Akmang pwersadong huhuliin na sana ang mga kamay ni Dhenna. “Wait, I think there is a misunderstanding here.” Nang bigla ay awat ni Kai. “Sino ba ang may sabi na puwede niyo siyang dalhin? Sino bang tumawag sa inyo para pumunta r