***MANET***
Masuyong mga halik ang nanggising kay Manet. At iyon ay halik ng kanyang asawa. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay ang guwapong mukha nito ang bumungad sa kanyang paningin.
“Good morning,” ngiting-ngiti na sabi sa kanya nito kasabay nang muli paghalik sa kanyang labi.
“Good morning din,” aniya na napangiti rin. Naglalambing ang kanyang asawa at sa ganitong pamaraan siya nai-in love dito. Alam nitong iparamdam ang pagmamahal sa kanya kahit sa mga simpleng pamamaraan.
“Breakfast is ready.”
Kumalam ang kanyang sikmura pagkaring ng salitang breakfast. At nasagot bakit ganoon nang tingnan niya ang wall clock. It was already nine o’clock in the morning. Dapat talagang magutom na siya. Gutom na rin malamang ang baby niya.
“Tara kain tayo.” Inilahad ni Randy ang kamay nito upang tulungan siyang makabangon.
“Thank you,” aniyang ngiting-ngiti. Subalit nang maalala niya ang paghihintay niya rito kagabi ay unti-unting naging seryoso ang mukha niya. Naalala niya na sa tagal nitong umuwi ay hindi na niya namalayan ang pag-uwi ni Randy. Siguro ay nakatulog siya.
Hindi niya itinuloy ang paghawak sa kamay ng asawa. “What time did you get home last night?” instead she asked.
She saw her husband adam’s apple moved as he swallowed. Is he nervous?
“Alas singko na, Hon. Sorry, ha? Na-lowbat kasi ang cellphone ko kaya hindi kita makontak. Nagpainom kasi ang Chairman.”
“Hindi mo man lang naisip na maki-text o makitawag man lang sa mga kasama mo dahil hinihintay kita?” may pagdadamdam ang tinig niyang tanong pa.
“Sorry talaga, hon, nawala sa isip ko. At saka ang nasa isip ko na kasi kagabi, eh, may kasama ka naman na rito. Kasama mo naman na si Aman kaya hindi na ako nag-alala masyado.”
“Ganoon ba.” She tried her best to defuse her anger by taking a deep breath and exhaled the air slowly. Inunawa niya ang asawa kahit na may konting tampo pa rin siya. Isa pa ay hindi naman ito ang unang beses na inumaga ng uwi si Randy, maraming beses na dahil nga sa klase ng trabaho nito.
Randy is the general manager of Daseco Shipping Philippines, which his shipping magnate grandfather owned for over 50 years. At alam niyang magiging busy pa ito oras na ipamana na rito ni Lolo Fred ang kompanya sa kanyang asawa. Nag-iisa lang kasi ang anak nito at nag-iisa rin si Randy na apo nito.
Randy kissed the top of her head. “Let's eat? Nag-aantay na sa 'tin si Aman doon. Nakakahiya sa kanya,” then anito na paanyaya.
Tumango siya. Inalalayan siya ng asawa na makatayo. Ingat na ingat.
Pagbaba nila ay naroon na nga si Aman sa dining area. Hindi pa rin kumakain kasi hinihintay sila. Ang binata na rin ang dali-daling humila ng kanyang uupuan nang makita sila.
“Good morning. Kumusta ang tulog mo?” tanong niya sa kapatid nang makaupo.
“Ayos naman,” tipid na sagot ni Aman.
Nagngitian silang tatlo nang makaupo naman si Randy sa kabisera.
“Mukhang masarap itong adobo, ah? Sinong nagluto?" tanong ni Manet sa dalawang lalaki nang mapansin niya ang umuusak pa ring ulam.
“Ako!” Randy replied proudly. Parang batang itinaas pa ang kamay nito na may hawak na tinidor na may nakatusok na hotdog.
“Ako ang nagsaing, Ate,” pag-angkin naman ni Aman ng credit sa iniambag din nitong niluto para sa breakfast.
Bahagtang natawa si Manet. Parang mga bata sina Randy at Aman sa kanyang paningin sa sandaling iyon. Ang cute nila na mga damulag.
“Hala sige, kain na tayo. Make sure to eat all up, okay?”
Sabay pang sumandok ng kanin sina Randy at Aman kaya nag-espadahan ang kanilang mag kutsara. Nagkulitan na naman.
Hindi na tawa kundi halakhak ang ginawa ni Manet. Parang mga bata talaga, eh. Hay naku!
Mayamaya ay natapos ang agahan nila na iyon na panaka-naka ay nagtatawanan pa rin. Nagbibiruan pa rin kasi sina Randy at Aman. Pabidahan sila sa mga kuwento nila tungkol sa trabaho nila. Pati na brand ng motor at kotse, na as usual topic talaga ng mga lalaki kapag nag-uusap-usap.
“Aman, ikaw na maghugas ng kinainan, ha? Day off mo naman,” utos ni Manet sa kapatid.
“Sige, 'Te. No problem,” nakangiting tugon ni Aman.
“Ikaw naman, Hon, magbihis ka na at baka ma-late ka sa trabaho mo.” baling naman ni Manet kay Randy.
“Sige, Hon.” Pumunta agad si Randy sa kuwarto nila at naligo.
Nagpasya si Manet na kunin na ang kanyang mga labahan. Maglalaba ang gagawin niya ngayon. Pinaghiwalay niya ang puti at de color at mga pantalon, ng pambahay sa panglabas at pang-opisina.
Hanggang sa may makapa siya sa slacks na ginamit kahapon ng asawa. Wallet iyon. Hindi pa pala natatanggal ni Randy sa pantalon nito ang wallet nito.
Kinuha niya iyon upang sana ay itabi. Subalit anong pagtataka nga lang niya nang may sumabay na papel na nahulog.
Pinulot niya iyon at binasa.
CALL ME. 0908976****. ASAP! Iyon ang nakasulat sa papel.
Pakiramdam ni Manet ay tumigil saglit ang puso niya sa pagtibok. Kaninong sulat iyon? Sino ang nagpapatawag sa asawa niya?
Matagal niya iyong tinitigan. Bakit pakiramdam niya rin ay siya ang pinapatawag ng sumulat niyon? Ang weird.
Kumakabog sa kaba ang dibdib niya na sinulyapan ang kanilang banyo. Naroon pa si Randy, naliligo pa.
At nang ilipat niya ang tingin ay dumako iyon sa cellphone niyang nakalapag sa side table ng kanilang kama. She has made up her mind. She will call the number. Bahala na pero kailangan niyang malaman kung sino at ano ang pakay nang nagsulat niyon upang mapanatag ang kalooban niya’t hindi mag-isip ng masama.
Katulad ng sa mga pelikula ay parang naging slow motion ang paligid nang lapitan niya ang cellphone at damputin. Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago niya idinayal ang numero.
“Hello?” sagot ng babae sa kabilang linya nang may sumagot sa tawag niya makalipas ang tatlong ring.
Napakunot-noo si Manet sa malambing na boses. Mas kinabahan siya ng matindi.
“H-Hello? Umm... who's this please? Bakit mo pinapatawag ang asawa ko sa 'yo?" pero lakas-loob niyang mga tanong pa rin kahit na parang tinatambol na ang kanyang dibdib sa kaba. Iba na agad ng kanyang pakiramdam.
Ang liwanag ng ilaw sa kanilang silid na mag-asawa pero para ba'y kay dilim na ng kanyang kinaroroonan sa ngayon. At tila ba'y bumigat pati ang awra.
Subalit ay wala nang sumagot. Hindi na umimik ang babae na may malambing na tinig.
“Hello? I'm asking you. Who are you?” kaya tanong niya ulit. Mas malakas ang kanyang naging tono at madiin.
Nga lang ay hindi na talaga umimik pa ang nasa kabilang linya na babae.
“Sabing sino ka?! Speak up!” Nainis na siya. Ayaw naman niya sanang maging bastos at mas lalong ayaw niya sanang mag-isip ng masama pero kasi ay parang tinatambol na ang puso niya sa kaba. Iba na yung feeling, eh. At ang feeling na iyon ay misis o babaeng may asawa lang ang nakakaalam at nakakaintindi.
Hindi niya sana tatantanan ang nasa kabilang linya. Gusto niyang malaman kung sino ang babae.
“Hon, paabot ng tuwalya. Nakalimutan ko, eh,” kaya lang ay silip at pakiusap na sa kanya ni Randy mula sa banyo. Tapos na itong maligo.
Mabuti na lang at naitago agad niya ang cellphone sa kanyang likod. Mabangis ang mukha niyang nilingon ang kanyang asawa. Tumatahip nang husto ang kanyang dibdib habang halos madurog na ang cellphone niya sa mga kamao niya.
“Hon, are you okay?” pansin sa kanya ni Randy. Panay ang punas ng mga palad nito sa mukha nito dahil sa tubig mula sa buhok nito na tumutulo.
Napalunok si Manet. Ngayon palang ay nais na niyang bangasan ang mukha ng magaling niyang asawa, pero pinigilan niya ang kanyang sarili. She pulled herself together. Sinabing hindi siya pwedeng mag-isip agad pa ng kung anu-ano. Hindi pa siya sure kung sino ang babaeng iyon. Maraming posibilidad na ibang babae iyon sa iniisip niyang babae. Mali na pangungunahan na naman niya ang lahat.
Inisip niya muna ang mas tamang isipin. Client lang ang babaeng iyon. Katrabaho lang ni Randy ang babaeng iyon. Pwede ring kamag-anak iyon ni Randy.
“Nothing, Hon. Nagulat lang ako. Kunin ko lang 'yong tuwalya.” Sa huli ay pinilit niyang kuntrolin ang boses. Nakapagdesisyon siya agad na ayaw niyang ipahalata kay Randy ang namumuong pagdududa niya rito. Aalamin niya muna ang katotohanan.
“Okay.” Isinarado ulit ni Randy ang pinto ng banyo.
Siya naman ay napabuntong-hininga nang sobrang lalim saka natutop niya ang dibdib. Diyos ko, sana ay mali ang kanyang hinala. Hindi niya alam siguro ang kanyang magagawa kapag tama iyon. Mabait siyang tao, hindi siya eskandalusa, pero ibang usapan na kung may ibang babae ang kanyang asawa. Ibang-iba.
Hindi siya madaling magpatawad, at alam iyon ni Randy. Hindi naman perpekto ang pagsasama nila, nag-aaway rin sila. Syempre inaaway rin niya ang kanyang asawa. At sa pagkakatanda niya ay mababaw lang na dahilan ang mga iyon, pero pahirapan na siya na sinuyo ng asawa. So what more if tungkol na babae ang magiging dahilan?
Ngayon pa lang at natatakot na siya na baka hindi niya kailanman mapapatawad si Randy oras na may babae nga ito.
“Hello?! Sino ka ba kasi?!” balik niya sa kausap niya sa cellphone. Unfortunately, dial tone na ang naririnig sa kabilang linya. Ibig sabihin ay pinatay na ng babae ang tawag. Damn her!