PART 9

1630 Words
***DHENNA*** Nakahalukipkip si Dhenna. Tulala siya habang nakatanaw sa kawalan. Kita sa kanyang pagkakakunot ng kanyang noo at ang panaka-nakang pagsingkit din ang kanyang mga mata ang lalim ng kanyang iniisip. Halatang may gumugulo sa kanyang isipan at kanina pa iyon. “Sis, may problema ba? Kanina ka pa parang tatalon diyan, ah?” pansin na ni Kai sa kanya. “Nasa second floor lang tayo. Mababalian ka lang ng buto riyan. Sige.” Noon lamang nagbalik sa huwisyo si Dhenna nang marinig niya ang boses ng matalik niyang kaibigan. Nilingon niya ito at inirapan. Ang dami na naman agad sinabi, eh. Tss. Sa bahay nina Kai siya dumiretso pagkatapos ang mapangahas na gabing iyon na ginawa niya kasama si Randy. Nasa terrace sila, ayaw pa niyang matulog kahit wala pa siyang tulog magdamag dahil halos alas singko na nang umaga sila naghiwalay ni Randy sa Diamond Motel. “Wala ka namang iniisip na hindi maganda, noh?” tanong pa ni Kai na pabiro. Inilapag nito ang dalang tray sa lamesa. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago niya hinarapang muli ang kaibigan. May dalang kape si Kai. Iniabot nito sa kanya ang isang mug nang umupo siya sa tapat nito. “Huwag ka ngang gaga. Kita mong may iniisip ang tao, eh,” irap niya rito bago humigop ng konti sa kape. Ang init niyon na humagod sa kanyang lalamunan hanggang sikmura ay medyo nagpagaan sa kanyang mabigat na pakiramdam sa dibdib. “At bakit ba kasi? May nangyari ba sa 'yo? Huwag kang magsisinungaling.” Napamata siya sa kaibigan. Tinimbang niya muna sa isipan kung sasabihin niya o hindi rito ang nangyari sa kanila ni Randy. Sa huli ay sinunod niya ang una. Kai was her best friend and like a sister to her kaya tiwala siya rito sa mga sekreto niya. Her fingers combed her hair softly. “Kagabi, Sis, ibinigay ko ang sarili ko sa isang stranger. As in pati ang bataan.” “What?” At tulad nang inasahan niya ay gulat na gulat si Kai. She made a face. “Type ko kasi siya, eh. Hindi, mahal ko na pala siya.” “No way!” “Oo nga.” “At sino naman iyong masuwerteng guy na iyon?” “Nalalala mo iyong pinagkamalan kong si Niel Austria? It’s him. Si Randy Daseco?” “Oh my, gosh! Gaga ka talaga!” “Bakit ba? Mahal ko nga iyong tao. Eh, ‘di ba kapag mahal mo dapat ibigay mo lahat kaya ibinigay ko na,” pagrarason niya kahit alam niyang baluktot na rason iyon. “Pero ang tagal mo 'yang iningatan tapos sa isang iglap lang ibinigay mo lang sa kakikilala mo palang na lalaki? Kailan pa naging tanga, huh?" dismayadong sabi pa rin ni Kai. Iiling-iling ito sa kanya. Inismiran niya naman ito. Ang gaga feeling may ambag sa kanyang pinakawalan na virginity niya. Tss! “Hindi ka man lang nag-isip? Diyos ko!” “Paano pa ako makakapag-isip ng matino, eh, ang sarap ng romansa niya. Tumitirik nga ang mga mata ko.” Ginaya niya ang sarap na sarap na hitsura niya kagabi habang nakakagat-labi with matching ungol. Ipinakita niya kay Kai. Ininggit. “Gaga!” Natawa naman na sa kanya ito. “Oo nga.” Napangiti rin siya. “Tapos daks pa. s**t, ang laki, Sis, kaya ang sarap.” “Heh! Ang bastos mo!” nakatawang saway sa kanya ni Kai. “Inggit ka lang kasi ako nakatikim na ng langit. Samantalang ikaw, tigang pa rin,” tukso niya rito. “Ah, gano’n. Sige kapag iyan nagbunga iyang sinasabi mong masarap ay huwag mo akong idadamay sa stress mo, ah?” “Anong magbunga?” “Kako kung mabubuntis ka.” “Gageh ka, buntis agad?” “Aba, bakit? May mga nabasa na ako at napanood na isang chukchakan lang ay wala na. Buntis na agad.” Napalabi siya. “Ganoon ba ‘yon?” “Malibog ka ‘di ba? Ibig sabihin malakas matris mo ‘yan.” “Tse!” “Nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya huwag na huwag kang iiyak sa ‘kin, ah?” Nakagat niya ang kanyang lower lip at muling napabuntong-hininga. The truth is, wala 'yon sa kanya kung kay Randy niya ibinigay ang p********e niya o kahit pa mabuntis siya agad dahil ginusto talaga niya iyon. Maganda nga sana kung mabuntis siya agad ni Randy para kanya talaga ang lalaking iyon. Mahal na talaga niya si Randy kahit iilang beses palang silang nagkita and she was fuckin' sure of that. Ang hindi niya matanggap lang na dahilan ng kanyang pag-iisip nang malalim ay ang natuklasan niya tungkol dito. “Sige, ma-stress ka na ngayon pambili ng gatas at diaper. Tama ‘yan,” tukso na naman sa kanya ni Kai. Ang advance mag-isip ng bruha. Hay naku! “Para sabihin ko sa ‘yo hindi ako natatakot kung mabubuntis nga ako. Wala namang masama dahil may edad na rin naman na ako. Oras na rin naman na para magkaroon ako ng anak.” Natampal ni Kai ang sariling noon. “Wala na. Nabuang na talaga.” “Alam mo naman na pangarap ko rin na magkaroon ng sariling pamilya dahil wala ako niyon. At sobrang hirap na walang pamilya. Kung wala nga kayo ni Tita Saima sa buhay ko ay hindi ko na alam.” Si Tita Saima niya ay ang kapatid ng nanay niya na siyang nagpalaki sa kanya ang tinukoy niya. Nahanap siya ng tiyahin noon sa isang ampunan dalagita na siya. At simula noon ay ang Tita Saima na niya ang nakasama niya. Ibinigay lahat sa kanya at pinag-aral. Noong nagtraaho na siya ay saka lang siya bumukod ng bahay. “Pero ang pamilya na sinasabi mo ay hindi hinahanap sa biglaang paraan. Hindi nadadaan sa pagbubuka na lang bigla dahil type mo ang isang lalaki,” pagkontra pa rin sa kanya ni Kai. “Hayaan mo na ako puwede? Ngayon na nga lang na-in love hindi mo ba kayang suportahan niyon? ‘Tsaka ito naman ang gusto mo ‘di ba? Ang magkaroon ako ng love life? O, heto na? Ano pa bang problema mo?” Kai rolled her eyes. “Oo nga pero huwag naman sana sa ganito na bigayan agad ng bataan, ‘di ba?” “Hayaan mo na lang. Naibigay ko na, eh, wala na akong magagawa. Butas na. Hindi na matatahi ito.” Kay lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kai. “Siya, siya, shut up na ako. Bahala ka sa buhay mo.” “Salamat naman.” Iirap pa rin sa kanya si Kai. “Ang problema, Sis, ano – ” untag niya rito nang maalala niya ang totoong problema niya. Napaismid si Kai. “May problema agad? Agad-agad?” “Oo yata,” nakangiwing aniya. “At ano naman ‘yon?” “Kasi ano parang... parang may asawa na yata siya,” diretsahang pag-o-open na niya sa kaibigan sa totoong problema. "What?! Akala ko ba binata siya?!" At tulad nang inasahan niya ay hysterical na naman ni Kai. “Noon ‘yon pero ngayon hindi na ako sure.” "Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Huwag mong sasabihin na hindi winarnig-an, ah?” Hindi siya nakaimik. At mabilis na nag-rewind ang kanyang isipan kaninang nagising siya pagkatapos ng mainit na pagtatalik nila ni Randy. Sinabi niya iyon kay Kai. “Hindi ba sabi mo wala naman siyang wedding ring? Tapos sinabi naman niya sa 'yo na ate niya iyong buntis?” Umasim ang mukha ni Dhenna “Oo, pero kanina paggising ko sa motel, eh, nakita ko ‘yung wallet ni Randy at hindi ko napigilan na pakialaman iyon.” Sinadya niyang bitinin ang kanyang pagkukuwento. Tiningnan niya muna ang reaksyon ni Kai. At nang halatang interesado pa rin ito sa pakikinig ay itinuloy niya ang sinasabi. “Tapos ayun nakita ko na... na may babaeng picture na nakalagay sa wallet niya. At siya 'yong babaeng buntis, Sis.” Muli, natampal ni Kai ang sariling noo. “Paktay! So, paano na 'yan? Sa may asawa mo pa pala naibigay ang virginity mo? Nalintikan ka na, Sis." “Puwede namang kapatid niya iyong babae, hindi ba?” In denial niyang sabi. Hindi niya talaga matanggap na may asawa na si Randy. “At saan ka nakakita ng lalaking may picture ng kapatid niya sa wallet nito?” “Malay mo siya lang?” “Heh! Family picture puwede pa siguro pero solo picture ng kapatid? Imposible iyon!” Hindi na siya umimik. Kahit sa sarili niya ay hindi niya maipagtanggol si Randy. Kahit saang anggulo, kahit ang pinakabobong tao pa sa mundo ang makakakita sa larawan sa wallet ni Randy ay maiisip nito na asawa iyon ni Randy. Hindi kapatid at lalong hindi naman siguro kaibigan lang. “Anong gagawin mo niyan? Huwag mong sabihin na itutuloy mo pa rin ang affair niyo ngayon nalaman mo ang totoong status niya?” “I don't know. Naguguluhan ako,” pag-amin niya. Nahimas-himas niya ang batok niya habang napapaisip. Napalatak si Kai. Tila ay ito ang mas namumoblema na sa problema niya ngayon. Ilang sandali na wala muna silang naging salita na magkaibigan. In-enjoy muna nila ang init ng mga kape nila. Mayamaya ay tiningnan ni Dhenna ang cellphone niya. Pero inilagay ulit niya sa bulsa nang makitang wala pa ring nagti-text o tumatawag sa kanya. “May hinihintay kang tawag?” pansin na naman sa kanya ni Kai. Tumango siya. “Bago kami umalis sa motel ay may inilagay akong sulat sa wallet ni Randy. Iyon ang magpapatunay sa 'kin na may asawa na nga siya. Inaantay ko ang tawag ng asawa niya." "What?!" Kulang na lang ay literal na lumuwa ang mga mata ni Kai sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD