PART 54

2015 Words

***DHENNA*** “Aalis ka, Tita? Bakit naman po ang biglaan naman?” Nangamba agad si Dhenna sa balita ng kanyang Tita Saima na magtutungo raw ito sa Paris upang makasama ang isang anak nito roon. “Hindi iyon biglaan dahil noon pa ako pinapapunta doon ng pinsan mo para makasama ko naman daw ang mga apo ko doon. Pagbibigyan ko lang ang anak ko. Huwag kang mag-aalala dahil uuwi rin naman ako agad,” tugon ni Misis Mercado. Naroon ngayon sa bahay nila para magpaalam sa kanya. “Bakit ngayon pa, Tita? Alam mo naman na kailangan kita ngayon,” aniyang nalungkot. Lalong parang naging pasan niya ang mundo ang naging kanyang hitsura. “Ano na naman ba ang problema mo? Akala ko ba’y maayos na ang lahat?” “Hindi, Tita. Sa tingin ko talaga ay niloloko na ako ni Randy. Tingin ko po talaga ay may ibang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD